Lola Techie versus Ligo Sardines


Kakaibang match-up 'to! Magkaalaman na bitches!

Patigasan Challenge
Gawa sa lata ang lalagyan ng Ligo. Malamang tigas 'yan bitch. Kailangan mo pa gamitan ng abre-lata para lang namnamin ang tatlo o apat na isdang walang ulo. Pero mas tigas si Lola Techie. Senior citizen na pero always busy Facebooking the intarnetz pa rin. Walang kinikilalang arthritis.
Lola Techie: 1
Ligo: 0

Pahabaan Challenge
Because Lola Techie is always busy Facebooking with your intarnetz, kung saan-saan siya nakakarating. Pero nakadepende sa intarnetz ang kanyang kasikatan. Sa kabilang banda, smooth lang ang Ligo, parang manyak na sumisimple lang. Kahit saang lugar makakakita ka nito.
Lola Techie: 1
Ligo: 1

Palakihan Challenge
Si Judy Anne Santos na ang nagsabi. "Ligo, the sosy sardines." Sa madaling salita, big-time 'tong mga isdang 'to kahit mukha silang mga tanga. Ang lawak-lawak ng dagat nagsisiksikan sa loob ng lata. Si Lola Techie naman kasi may patanung-tanong pa kung magkano ang quadcore na processor tapos mouse lang naman pala bibilhin, ipapadeliver pa, sabay hihingi pa ng senior citizen's discount. Tamang hirit lang ba.
Lola Techie: 1
Ligo: 2

Split decision. Mataas ang posibilidad ng rematch. Lola Techie, tama na muna sa kaka-intarnetz. Langoy muna.



IBA PANG KATAYAN

No comments:

Post a Comment

Ang gamot sa verbal diarrhea.