Edward Cullen versus Balut


Isang mahilig sumipsip at isang paboritong sipsipin.
Magkaalaman na bitches!

Patigasan Challenge
Walang balut ang malambot. Sa halip ay nakakapagpatigas pa ito ng tuhod. Samantala, walang tigas ang naglilipstick. Mas lalong hindi tigas 'pag mahina sa umaga subalit malakas sa gabi para maghanap ng mabibiktima. Bakla ang tawag diyan.
Edward: 0
Balut: 1

Pahabaan Challenge
O sige, mabilis ka na Edward, kaya mong makarating kung saan-saan. Ang balut naman kasi steady lang sa kinalalagyan nito. Relax lang kumbaga. Ikaw kaya maging balut.
Edward: 1
Balut: 1

Palakihan Challenge
Basta may dugo, kahit napkin, babanatan nitong si Edward. Hindi choosy. Mabuti pa ang balut, hindi lahat nakakatikim sa kanya. 'Yan ang itlog na may balls, bitch.
Edward: 1
Balut: 2

Split decision. Rematch ang kailangan. Sa ngayon, panalo ang balut. Suck it Edward!



IBA PANG KATAYAN

No comments:

Post a Comment

Ang gamot sa verbal diarrhea.